Posts

Showing posts from September, 2020

Jinkee Pacquiao, Nagbalik-tanaw sa Civil Wedding nila ng Asawang si Manny Pacquiao sa Pagdiriwang ng kanilang 21st Wedding Anniversary

Image
Ang kasal ay isang sagradong seremonya para sa dalawang taong nagmamahalan. Ito nga ay hindi lamang ginagawa upang magsilbing batas sa patingin ng tao, kundi isa na ring basbas mula sa Panginoon. Isa ngang biyaya ang maikasal at magsama habang buhay na punong-puno ng pagmamahalan at ang tanging sentro ay ang Panginoon. Tunay nga na kapag ginawang sentro ng pagsasama ang Panginoon ay walang kapantayan na kaligayahan at saya ang madarama sa piling ng asawa. Bukod nga rito, ay magagawa ring malampasan ang anumang pagsubok na kaakibat sa pagsasama ng mag-asawa. Katulad na lamang ng mag-asawang Manny at Jinkee Paquiao na naging matatag ang pagsasama sa anumang unos at hamon ng buhay. Hindi maitatanggi na ang isa sa dahilan ng kanilang matibay na pagsasama at puno ng pagmamahalang pamilya ay ang Panginoon. At kamakailan nga, ay nagdiwang ang mag-asawa ng kanilang 21st wedding anniversary. Ang maybahay ni Manny na si Jinkee, ay hindi halos makapaniwala na umabot na sila ng 21 taon bila...

Silipin ang Napaka Gandang 5-Star Hotel Inspired House ng Aktor na si Derek Ramsay

Image
Marami na nga ang mga Pinoy Celebrities ang ipinasilip ang kanilang naggagandahang bahay sa pamamagitan ng kanilang mga house tour vlog na mapapanood sa kanilang YouTube Channel. Dahil nga, talagang ipinapakita nila ang bawat sulok ng kanilang tahanan na kung saan may mga kahanga-hangang disenyo, ay nagkakaroon tayo ng ideya sa pagpapagawa at pagsasaayos ng bahay. Isa ring inspirasyon ang hatid ng mga iniidolo nating artista sa tuwing masisilayan natin ang bunga ng kanilang pagsisikap. Kung house tour lang din ang pag-uusapan, ay hindi nagpahuli ang celebrity couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres na ipasilip sa kanilang vlog na mapapanopd sa kanilang Youtube channel na “Andrek Vlogs”, ang napakaganda nilang tahanan na mala-hotel sa ganda at may modernong disenyo. Photo credits: Andrek Vlogs | Youtube Channel          Sa pamamagitan nga ng dalawang bahaging video na mapapanood sa kanilang Youtube Channel, ay masayang inilibot n...

Alamin ang Dahilan Kung Bakit Pinili ng New Mom na si Coleen Garcia ang Water Birth Bilang Paraan ng Pagsilang

Image
Sabi nga nila, nasa hukay raw ang isang paa ng babae kapag nanganganak. Kasabihan na siyang may katotohanan, dahil nga ang sakit at hirap ng panganganak ay hindi biro. Sa katunayan nga nito, ay may mga babae na nauuwi sa pagkasawi dahil sa hirap ng panganganak. Na kung saan sa kasamaang palad, ay hindi nila nagawang magkaroon ng maayos at ligtas na panganganak. Kaya naman, marami sa mga soon to be mom na ang tanging hiling ay maging ligtas at maayos ang kanilang panganganak. Dahil nga, sa sobrang hirap manganak at sobrang sakit sa tuwing naglalabor, mas nais ng mga soon to be mom na maging magaan sa pakiramdam at maibsan ang hirap ang kanilang panganganak. Kaya naman, may mga alternatibong natural na paraan upang makatulong sa mga new mom na mapadali ang panganganak. Photo credits: Coleen Garcia | Instagram Isa na nga rito ang tinatawag na “water birth”. Ang water birth ay paraan ng panganganak sa pamamagitan ng maligamgam na tubig sa tub na maaaring gawin sa bahay, hospital a...

Silipin ang Napakaganda at Nakakarelax na 5-storey Beach House ng Aktor na si Enrique Gil na Matatagpuan sa Anilao Batangas

Image
Ang Kapamilya aktor na si Enrique Gil ay isa sa pinakasikat na artista sa industriya ng showbiz. Taglay ni Enrique ang magandang katangian na hinahanap ng mga kababaihan katulad na lamang ng gwapong mukha at makisig na pangangatawan. Maliban rito, ay kahanga-hanga rin ang angking talento ng aktor sa pag-arte. Kaya naman, ang mga proyekto ay bumuhos sa kanyang karera. Mas lalo namang sumikat ang aktor dahil sa nakakakilig na tambalan nila ng kanyang real-life girlfriend na si Liza Soberano na talaga namang bagay na bagay sa isa’t isa. Sa mahabang panahon na pag-aartista ay nakapag-ipon at nakapagpundar na rin si Enrique ng iba’t ibang properties. Ang bawat salapi nga na kanyang kinikita sa trabaho ay inilalaan niya sa tama. Isa nga sa ipinagmamalaki ng aktor sa kanyang mga property ay ang napakaganda at napakalaking beach house na matatagpuan sa Anilao, Batangas. Ang beach house na ito ay matagal ng pangarap ng aktor, at noong 2014 nga, ay sinimulan na ang pagpapagawa ng beach hou...

Malaya post

 Malaya post